Hahaha!
Ang ganda ng pamagat ng artikulong ito - TAMAD.
Kasi tinatamad akong magsulat 'creatively'nitong nakaraang tatlong buwan. (Kaya June pa ang huling arikulo sa blog na ito). Whew!
Pero kung bibilangin ang lahat ng isinulat ko - abot siguro sa limampung pahina (arial 11, one-inch margin). Kaya lang hindi ko naman sila pwedeng idikit (i-post?) sa blog dahil puro sila business-related - term papers, reaction papers, take-home finals and case reports (under my MBA schooling), and market analysis and project proposals (for my work).
Dapat ay marami akong kuwento dahil marami akong pinuntahan at nagong makulay na karanasan nitong nakaraang tatlong buwan pero . . . TAMAD!
Hahaha!
Hanggang sa muli . . . sana SIPAGIN NAMAN AKO!