A PERSONALITY TEST TOLD ME . . . I AM RATIONAL!
You are both logical and creative. You are full of ideas. You are so rational that you analyze everything. This drives people a little crazy!
Intelligence is important to you. You always like to be around smart people. In fact, you're often a little short with people who don't impress you mentally.
You seem distant to some - but it's usually because you're deep in thought. Those who understand you best are fellow Rationals.
In love, you tend to approach things with logic. You seek a compatible mate - who is also very intelligent. At work, you tend to gravitate toward idea building careers - like programming, medicine, or academia.
With others, you are very honest and direct. People often can't take your criticism well.
As far as your looks go, you're coasting on what you were born with. You think fashion is silly.
On weekends, you spend most of your time thinking, experimenting with new ideas, or learning new things.
BWEHEHEHE . . .
Friday, October 21, 2005
Tuesday, June 21, 2005
Kaya Ang Lahat
Ang pangarap ay kayang liparin
Langit man ay kakayaning abutin
Kayang-kaya ko ang lahat ng iyan
Basta sa piling ko ay wag kang lilisan.
Ang awitin ay kayang sulatin
Bituin man ay kakayaning ipunin
Kayang-kaya ko ang lahat ng iyan
Basta ngiti mo ay laging masilayan .
Ang utang ay handang patawarin
Lahat ng hirap kayang tanggapin
Kayang-kaya ko ang lahat ng iyan
Basta sa tabi ko ay lagi kang nar'yan.
Ang sugat ay handang hilumin
Kung imposible ay idadasal pa rin
Kayang-kaya ko ang lahat ng iyan
Basta sumagot ka, wag lang 'hindi' at 'ewan'.
Orihinal na nasulat, taong 1999 o 2000. (Hindi ko maalala kung para kanino ito, kaya hindi ko maalala kung anong eksaktong taon. Nyeh!)

Kalagitnaan (Kung Walang Wakas at Simula)
May nagtanong sa akin kung paano raw ba nagsisimula ang pag-ibig. At tinanong ko naman siya kung paano ba ito natatapos, o kung natatapos nga ba itong talaga. Parang usapan tungkol sa ‘evolution’. Love evolves from friendship, friendship evolves from knowledge of that person, and knowledge evolves from nothingness. Love evolves from nothingness?
May kalagitnaan ba ang pag-ibig?
May simula ba ang kalawakan
O may wakas rin ba ang kawalan.
May mas mataas pa ba sa luwalhati
O mas malalim pa sa kalungkutan.
May mas malinaw pa ba sa tubig
O may mas malabo pa ba sa putik.
Ganito rin siguro ang pag-ibig
Walang simula
At wala ring wakas
Walang mas mataas
Walang mas malalim
Walang mas malinaw
Walang mas malabo.
Ngunit may kalagitnaan ba ang pag-ibig?
Ito ay orihinal na nasulat, buwan ng Mayo, taong 2000.

Ave C.M. Recto (Mula Mendiola Hanggang Avenida)
Sa kagustuhang makahanap ng masarap na miryenda, naikot ko yata ang buong area ng Quiapo – mula MWSI office sa kanto ng Legarda, deretso ng Recto, hanggang Avenida, papasok ng Raon, hanggang Plaza Miranda, tagos ng San Sebastian hanggang McDonalds sa Lepanto. Ang init ng araw, ang tingkad ng kulay ng paligid, ang kapal ng usok – ay pangit at magagandang bagay na puwedeng gamitin sa pagsasalarawan ng buhay. Ang tulang ito ay pagkukumpara ng C.M. Recto Avenue, sa isa pang kalye na kung tawagin ay – buhay.
Maliban sa paninda sa sidewalk . . .
Minsang ako’y naglalakad sa CM Recto
(mula Mendiola hanggang Avenida),
ay aking pinagmasdan ang mga taong
nakakasalubong at nakakasabay.
Tinitingnan ko ang bawat nilang kilos
Ang hakbang na mabagal at mabilis
Ang ulong nakayuko at nakatingala
Ang labing nakangiti at nakatikom.
Iba’t ibang larawan ng buhay . . .
Larawan ng saya at pagtatagumpay –
Ng bagong promote at bagong suweldo,
Ng pumasa kahit awa at nakakupit sa tuition
Ng sinagot ng nililigawan at bagong boyfriend.
Larawan ng lungkot at pagkabigo –
Ng napaggal at walang nakuhang trabaho,
Ng bumagsak ng ‘finals’ at walang allowance,
Ng binasted ng nililigawan at iniwan ng boyfriend.
Iba’t ibang larawan ng buhay . . .
Iba’t ibang taong may iba’t ibang karanasan
Iba’t ibang damdamin ng iba’t ibang mundo
Iba’t ibang pinagmulan, iba’t ibang pupuntahan.
Patuloy ang aking paglalakad . . .
May naglalakad na tila diring-diri sa kanyang paligid
May walang pakialam sa ingay at kapal ng usok
May naglalakad na nakayuko at walang ngiti
May walang pakialam sa nababangga’t kasalubong.
Ganito ang Recto, ganito rin ang buhay ng tao
Iba’t ibang damdamin, iba’t ibang karanasan.
Mahirap maglakad sa CM Recto . . .
Mahirap maglakad sa kalye ng buhay.
Ito ay orihinal na nasulat, buwan ng Marso, taong 2000.

Blogging Galore
I remember . . . I used to have an older blog site.
Problem is - I can't remember the site, user name nor the password. (Memory gap na yata ito!)
And sometimes (or should I say most of the time) - I don't have time to post new messages, don't know how to paste pictures, edit the format, etc.
In short, HINDI AKO MARUNONG GUMAMIT NG BLOG!
Pero pangako, mula ngayon ay akin nang pagbubutihin . . . kung may oras!

Thursday, May 26, 2005
Masters in Shaolin
It's official!
After five gruelling weeks of Algebra, Calculus, Financial Math, Econometrics, Statistics, Accounting, Macroeconomics and Microeconomics . . . I passed the proficiency examinations which qualified applicants for admission to the Masteral program.
Actually, I am not taking Shaolin or Kungfu. Joke lang yun. Pero, maganda sana talaga kung merong ganun na course sa college - pag graduate mo, ang tawag sa yo ay Shaolin Master or Kung-fu Master. At ang english (at tagalog) mo ay hindi sabay sa bukas ng iyong bibig. Ang tawag sa classroom nyo ay 'temple', at ang tawag nyo sa isa't isa ay 'brother'.
"You bes-terd, you killed my bra-der. And I'm going to kill you too! Wa-cha!" hehehe
Meron ba namang saysay ang pagkuha ng graduate degree? Siyempre meron.
Una, pagkagraduate mo, hahaba ang pangalan mo dahil pwede mo siyang dagdagan ng initials: MBA, PhD, NBA, NPA, PNP, NDF, MILF, etc. (Well, yung mga may post graduate degree pero walang trabahao, mas mahaba: Juan dela Cruz, BSBA MBA BUM.)
Pangalawa, mas magsusumikap kang magtrabaho. Dahil kung may graduate degree ka, malamang-lamang hindi ka papayag na clerical pa rin ang trabaho mo at 8 hours per day ang pasok. (In short, mas magiging mayabang ka na.)
Pangatlo, tataas daw ang 'market value' mo. Although hindi ko na siya i-discuss dahil absent ako nung ituro yun ng aming dakilang propesor.
Marami pa kaya lang tinatamad na akong mag type!
Pero naisip ko lang: bakit kaya walang Masteral degree o Doctorate ang mga simpleng life skills na kailangan mo sa araw araw na buhay: Masters in Parenting, Masters in Family Relationship, Masters in Daily Conversation, Masters in Friendship or Masters in Serving Others.
Or bakit wala din kayang masteral degree o doctorate ng mga values: Masters in Honesty (para sa mga kongresista), Masters in Kindness (para sa mga nagtratrabaho sa gobyerno) o Masters in Genuine Service (para sa lahat ng mga nasa GO, NGO, Media, simbahan atbp). Siguro mas kailangan ito ng mga tao sa pamahalaan kaysa sa Masters in Economics na degree.
Hay buhay! So effective next week . . . ako ay isa ng ganap na estudyante . . . na naman

Tuesday, April 19, 2005
Finding Neverland
Tired from work? Stressed out?
RELAX AND SEE A MOVIE!
It's the reason I go to movies ---> to rest my mind and find a temporary comfort in a place where everyone is equal: ang loob ng sinehan! And guess what, I have found FINDING NEVERLAND!
It was a great movie: madrama (90%) at may konting saya (10%). Yung tipong aantig sa iyong damdamin! The movie tells the story behind Peter Pant. But reminder, not because Peter Pan's in the movie, doesn't mean it's a kid's movie. Medyo mukhang mahihirapan ang isang four or even seven-years old na intindihin ang pelikulanag ito.
At mas maganda rin kung pakikinggan mong mabuti ang mga linya ng mga gumaganap (dahil medyo 'talkies' ito).
I don't want to tell the story . . . panoorin mo na lang! Kung ikaw ay katulad ko na mahilig sa malalim pero hindi boring na kwentuhan . . . then this movie is for you!
And be sure to start at the beginning!? (Tama na 'yun?)
Relax and See A Movie!