Wednesday, May 03, 2006

Mahalaga Sa Akin



Mahalaga sa akin ang bawat mong pagtingin
Pati na rin ang bawat sandaling ika’y kapiling
Mahalaga sa akin ang bawat mong ang awitin
Ang himig at tinig mong nagpapasigla sa akin.

Mahalaga sa akin ang bawat mong paglalambing
Na tila humahaplos sa puso kong nahihimbing
Tunay ngang mahalaga nang ako’y ‘yong mahalin
Sing halaga rin ng pangakong ikaw lang ang iibigin.

(Originally written on April 20, 2001, as I sit on a wooden chair facing the vast terraces of Bangaan in Banaue, Ifugao. It was the Retrek 01 of the youth community, and as I stared at the different colors of rural life, I came to realization that memories I cherish most, are those that affect me positively. Kunsabagay, bakit mo nga ba naman pahahalagahan ang mga bagay na sasaktan lamang ang iyong damdamin.)

Naalala ko ang tulang ito dahil kagagaling ko lang ulit sa Banaue. Sayang nga lamang at hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na muling magsulat.

No comments: